Monday, April 10, 2006

When you're full with those things!

Yeah! Same here, i know, lahat ng tao napupuno at lahat ng tao may hangganan, well tao lang po!
Naranasan nyo na ba yung pagkakataon na halos lahat ng bagay ay kinokonekta sayo? Yung halos lahat yata ng mangyari ay kasama ka dahil andun ka? Hindi ko alam kung ito ay isang desperation move lamang dahil ayaw na o pagod ng hanapin ang katotohanan sa likod ng mga pangyayari. I take responsibility, maraming taong makakapagpatunay nun, kapag ako ang may kasalanan, inaamin ko at inaako ko hindi ko pinapasa sa iba. Eh! pano kung talagang clueless ka or nakikisama ka kaya ayaw mo ng sabihin pa ang ibang detalye o ayaw mo ng palakihin ang gulo. Well yung talaga ang downside ko. Or minsan ang hirap magpaliwanag kasi ayaw naman makinig nung taong gusto mong paliwanagan o wala sila talaga alam sa mga pangyayari kaya di nila alintana ang mga sinasabi mo.
Mabigat, kahit gusto mo pang ipagpatuloy di' ba? Ang matindi pa nito para kang nauntog sa mga pangyayari at bigla kang nagising sa katotohan at nasabi mo na "bakit ako andito, sinasayang ko lang oras ko dito. Marami pa akong magagawang magandang bagay maliban sa ginagawa ko ngayon...." Well, i think i need a professional help, hindi wala akong topak-sa akala ko, gusto ko lang makarinig ng opinion galing sa ibang tao. Ibang perspective ika nga, baka naman mali ang tingin ko at nagugulumihanan lang ako.
Well, lahat ng reaction ko at galaw ko ay batay sa pagpapahalaga ko sa pamilya ko, sa asawa ko at sa dalawang anak ko. Baka duon naiba.
" alin, alin alin ang naiba, piliin kung alin ang na iba..."

Tuesday, April 04, 2006

THE LUNA CODE


Two days ago, nakuha ko na yung 7 days na sahod ko dito sa shop, wow! ang laki! Well 'di ko na babangitin kung magkano, so, naisipan kong gumala sa recto, para tumingin ng mga (porno cd) computer software utilities at para na rin masilayan ang (baho) ganda ng kamaynilaan.
Well, napadpad ako sa isang maliit na store kung saan andaming pirated games, software OS at utilities ng computer. Eto na, e di na magnet ako, kaya tumingin na ako. Ang hanap ko talaga ay WinDoctor ng Norton at iba pang utilities from Norton. Gusto ko rin nung Ghost nila kasi malupet yun sa mirroring ng hard drive, well nakakita naman ako, Norton SystemWorks Platinum Edition 2005, wow, hataw di ba, magkano kaya ito kapag orig?(Huwag tularan).
Ok, first mission tapos na, kaya lakad ulit kung saan dadalhin ng paa. Lakad.....lakad...lakad.....wew, NATIONAL BOOKSTORE! So akyat ako at whew, The Da Vinci Code, well di ko pa nabasa at wala pa ako kopya kaya bumili ako kahit mabibitin na naman ang budget ko.
After two days ng pagbabasa, tingin ko balak ko ulit bumalik sa pagsusulat ng kwento. Dati na ko ako nagsusulat ng kwento (at ako rin lang ang nagbabasa), try ko lang kung may natira pa sa mga ugat ko.
Ang title ng kwento na isususlat ko is THE LUNA CODE...tadadan! The plot is this, there's was a secret society known as the Katipuneros (well, di na ito secret, this is history), na associated din sa Freemasons as we know it, they are holding a secret so big it will rock the foundation of Catholicism sa bansa. The big secret is Jose Rizal is the incarnation of Jesus Christ! What! And the Vatican new it, that's why humiwalay ang Iglesia Filipinia Independiente sa Roman Catholic dahil nalaman nila ang secret! Ayaw ng Vatican na mangyari ang ganun, kaya bago pa kumalat ang secreto, pinapatay na nila si Jose Rizal at nilupig ang mga Katipuneros.
This is getting excited, unti-unti ng tumahimik ang mga Katipuneros dahil sa pagsisiil ng mga Kastila at dahil na rin sa pagkamatay ni Andres Bonifacio, pinapatay ng mga Kastilla si Bonifacio at binayaran si Emilio Aguinaldo para umalis papuntang Hong Kong!
Eh, pano naging THE LUNA CODE? Well, eto na , dahil sa awa ni Luna kay Rizal at sa takot na rin sa mga Kastilla, at dahil na nakasama rin nya si Rizal sa La Liga Filipina, ginawa nya ang Spolarium. Kung mapapansin natin kung ano ang meron sa Spolarium, ito ay ang paghihirap ng mga Filipino sa kamay ng mga Kastilla, pero may nakatagong simbolo ito, ito rin ay katulad ng pagpapahirap kay Cristo bago sya ipako sa Cruz at ang ginamit na mga tauhan ay ang Filipino, to be particular, Jose Rizal! At may mga nakatagong mensahe sa canvas na ginamit ni Luna! Natakpan lang ito ng ipahid na niya ang mga kulay sa kanyang canvas!
Wow, ok ba ang plot, orig ko yan ha! hehe, aayusin ko yan tapos ipupublish ko, THE LUNA CODE, tapos kikita ako, tapos, magkakapera ako, magiging milyonaryo ako, tapos, ipapamahagi ko lahat ng pera ko sa mga dukha at nangangailangan, tapos magiging common tao na ulit ako.

Sunday, April 02, 2006

Back on track!

Yeah! After almost 1 week of adaptation to my new environment and working habit, i'm now officially back on track to do things I usually do, like blogging.
Things are doing fine here at my new job, the setback is i'm on a night shift and i'm not born to be a bat or an owl. Yeah, so i need to adapt to this working habit and make it full blast. The upside is, i am free to surf the net all i want, as long i don't have a pending job to do. I got new friends to, because we are stationed here at legarda place, a dormitory where students from the U-belt are residing. It's kinda fun, they are active and agressive, good for me because i'm friendly and approchable. Just two days of my stay here and i've already got a new friend. Actually two kolehiyalas (both nursing students), i don't know if i just look so awfull because my eyes looks so sleepy, gave me a donut and said "kuya kawawa ka naman, di ka pa yata natutulog, kain ka muna" aww so sweeet!
Yeah! I know that i'm not so handsome, but hey i'm friendly enough to have a friend for just 2 days and i'm loving it.
Well, until next time guys, i going to share to you my experience here whether good or bad! Chao! baby!

Wednesday, March 22, 2006

Jobless No More!

Time to rejoice! Yep! I've got a new job and i'm happy about it and i hope they are happy having me, at least.
I found the job that matches my skills and talents and i know, God knows, i am made for this kind of job.
After 3 and more years serving the masses and the goverment (actually the people in the goverment), 3 and more years doing paper works and communication letters, 3 and more years of feeding the lamb, now it's my time to feed my hunger to learn more and i guess to think of my own welfare (kinda selfish, duh, co'mon, it's 3 and more years).
I am now a Computer and Network Service Technician at a computer cafe here along Legarda Place, Manila (along University Belt, you know where the rich and famous are). It's WebSoul Cafe and soon to be we will be having a website (i'm working on that right now because i have a one week deadline). It's a nice and cool place, so trendy and their Computers here are all high-end grade! They've got a fast internet connection and yeah, i am free on using it because i work here. My job is to make sure that all this high-end computer must run at their peak everytime the costumer needed it. Kinda hard job, but man, i told you, i'm made to this kind of job.
I love technology and i'm excited to learn something new. That's what computer gives me, whether i'm using it or repairing it. I hope God permits me to be in this job as long as i want it. So, bye, bye, cry, cry....bye, bye, bad days, my happy days is coming(actually fast approaching).

Wednesday, March 15, 2006

GMa 7 Jologs' Guide: A tour in the world of Trying Harder

Welcome to the world of "Jologs". Co' mon get in and ride to this new show hosted by Jologs Boombista, Ethel Booba, Jologs Patawa, Pekto and Jologs Porma, Rainer Castillo. They will guide us to the world of Jologs: The World of Trying Harder.
World of Trying Harder? Are you trying to say that jologs are trying hard? Nope, not really,what i mean is that, in Jologs World you're bound to try things a little harder than the normal way. Not because your a social climber but because it is their way, your way and my way to survive.
Eating in turo-turo is a jolog thing, but that's fine to me. They are eating in turo-turo not to build their character or to be makamasa, but because that's what their barya on bulsa can only aford! Got the point!? They are wearing ukay-ukay not to fool themselves that their wearing imported items, but because that's what their money can buy.
Actually Jologs is direct reciprocal of Coño, economically speaking that is. But actually they have the same traits. Watch this.

*********************************************************
Jologs-tao na umaastang mas mataas pa kasya sa kasalukuyan niyang estado at kalimitan ay walang paki-alam sa sasabihin ng tao lalo na sa pagdadala nya ng buhay
Coño-they are from the middle class-rich class part of society. They are always seen edging each other in the way they talk, walk, wear their clothes and gestures.
**********************************************************
Jologs- nagpipilit na haluaan ng salitang ingles ang usapang tagalog, kahit na ang kausap ay pawang mga kapwa Pilipino din
Coño-they are trying to out-wit each other or prove to the other that they are the better ones by using taglish (tagalog-english). This will make the effect that their family is from America, or they've lived at US or they are from a rich and wealthy family.
***********************************************************
Jologs- kumain ng Fishballs at Kikiam sa kanto kasi yun lang ang kinaya ng bulsa sa merienda.
Coño- they love to dine and wine in those classy resto and bars because they don't really know where and how to spend their money (actually those money are from MAMA and PAPA)
***********************************************************
Jologs-mahal na mahal nila ang BMX nila at kahit na naka-americana para mag-apply sa makati, harurot ito sa pagpadyak para makipag-unahan sa EDSA.
Coño-they love to ride in those fast and fancy cars and like to dig with those chocolate bars (lyrics ba ito ng Parokya?)
***********************************************************
Jologs-laging nakaporma o get-up, iihi lang sa pader dun sa kanto, naka-gel pa ang buhok at suot pa ang bago niyang all-star converse shoes na nabili nya sa muslim with matching baggy pants and orange shirts
Coño-they love to go in those spa and have a foot spa for their ingrown toes, to dye their hair in white or burgundy and trimmed their hair by Ricky Reyes. They love to shop for their clothes, they will buy a dozen in one store and buy a dozen again in one. Then at home, they will try to wear all of those shirt and be comportable to their pajama in bed.

************************************************************
But I know a man, who is a JOLOGS and COÑo in one! He is the Chairman of NAMFREL, yes the one who (buy) count your votes at elections in partnership with Garcillano, He is no other than Mr. Joe Con, Joe-LOGS Co-ÑO!

Friday, March 10, 2006

Waiting for a Job!

I've been standing here
Waiting for a Job on a Saturday
Resume on my back
Ultraviolet rays
Like posing for a mug shot on a precint
What the hell does it mean

I'm a family man
Straight from the can
I'm a thousand miles away
From my daughter and son!

My wife is getting tight
Won't let me out at night
You can't avoid the complications
When there's no beer at all

When the lightning strikes we fry
I'll drink my gin
I'll wipe my tears
Southbound in the sky

Another hungry man
Another reason gets you everyday
The only time that you can eat
Is when payday comes

Well, I'm caught up in a stupid job
So, dirty that I can't play
But I'm no stupid man
And I'm ready to resign

I've been sitting here
Surfing the net
To many emails to read
Spams from a porno site!

I am bleeding coffee
As my skin turns pale
I can't sleep at night
Damn, Jobhunting on my mind

The money is rolling
Like a rolling dough
Alone, I choose the road less traveled on

Now I'm lying here
Waiting for a call on a company
Dreaming for a highly paid salary
Job that will treat me fairly
Time is all it takes
But pains get in the way

improvised lyrics of "Waiting for a Bus" by the Eraserheads from the album "Cutterpillow"
So, it means that some part of this poems are originally from the song but i deleted some part of it to suite in to my lifestyle.
Grabe! Hirap mag-english! Naisip ko kasi yung song, lalo na at idol ko rin ang Eraserheads at sinubukan ko naman na ibahin yung ibang salita para mapabatid ko ng mabuti ang damdaming gusto kong ipabatid! Hindi ko kasi madiretso eh, sana marunong kayong magbasa between the lines. Syanga pala nakikinig ako sa "Nasaan Ka" ng Pupil ngayon habang ginagawa ko ito.
Salamat! Enjoy!

Wednesday, March 08, 2006

I need a new JOB(for crying out loud!)

I am in a hunt today. Nope i'm not a head-hunter or an adventurer, i'm one of those million people in the Philippines right now who's looking for a job.
Actually, i'm not jobless, i still have my job here at Provincial Goverment of Tarlac(I am an Admin. Aide III, it means sosyal na alalay ng politiko! Got it!?). My job is great, i got a good salary compared to those who's here at the province and my boss is great too. So, ano ang problema, nag-iinarte ka na naman
#@%*&^%$#@#!. Well, hindi naman kailangan ko lang siguro ng bagong pagkaka-abalahan.
Matagal na rin ako dito, mga 2 years and 4 months na(actually mahigit 3 years na kasi 1 year akong walang pangalan na empleyado dito). Masaya, masaya ang buhay, kwento duon, chika dito, pag may trabaho, talagang may trabaho, pero pag walang ginagawa, wala ka talagang ginagawa at pwede ka pang matulog. Eh, bakit ka nga naghahanap ng bagong trabaho?
I need to grow, yeah! tama ka, parang halaman, i need to improve, parang muscles and i think i need a new enviroment and a new career para mangyari ang mga panaginip ko na yun.
Beside, kalalabas lang ng baby boy ko! (Marcelino Jason, nice name, old and new) kaya naisip ko rin na dapat mabago na rin ang lifestyle ko. Hindi ako habang-buhay na malakas, di ako habang buhay na magiging presentable, kaya habang maaga pa dapat na makapag-ipon na ako ng ibang pang skills maliban pa sa nalalaman ko na ngayon.....at higit sa lahat, mag-2 years na ako dito at di pa rin ako regular.
Sayang naman ang talents na ipinakita ko dito(kung meron man), kahit na anong mangyari, di ako pwedeng maregular. Kahit tumambling pa ako ng pitong ulit sa apat na sulok ng opis namin, di ako mareregular kasi co-terminus at casual lang kami. Every six-months, parang laging nag-aaply, nagpapass ng bagong resume. Tapos pagnatanggal na ang boss mo sa position, wenkz! tigok ka rin, layas na rin sa lungga mo, O di ba sayang lahat ng pinaghirapan mo kasi mapupunta lang sa wala.
Kaya di ko na hihintayin yun oras na yun na ipagtabuyan pa ako at magmukhang basang sisiw na walang masilungan, ngayon na, panahon ko ay dumating na! wenkz.
Well kaninang umaga nagtry ako na mag-apply bilang HR personnel sa isang company dito, tinanong kung ano tinapos ko at di naman ako Bachelors Degree kaya hinataw ko sya sa experience ko, well maganda naman ang naging sagot nung nag-interview sa akin sa phone sa labas ng gate nung company(huhuhu, Diyos ko! ayaw kong maging dukha), tatawagan na lang daw nya ako, sabi ko sana bibigyan ko sya ng panload para matawagan nya ako anytime.
Kaya eto, waiting.....waiting...and waiting pa rin.
Ate, Kuya baka may alam ka naman trabahao na pwede kong pasukan, di naman ako malakas kumain eh, at wala pa rin ako napatay. Pwede mo akong e-mail o kaya tawagan.......09165546245 walang S.O.P ha, baka matanggap ng misis ko lagot ako dun, stick to one pa naman ako.
Trabaho...................
Trabaho..............................
Tarabaho, Gloria nababasa mo ba ito, kailangan ko po ng bagong trabaho, gaya ng mahigit isang milyon PIlipino naghahanap ngayon ng trabaho.
(di mo pa alam ang lahat ng kwento, kaya stay-tuned ka dito, galit ako sa mga ganid at taong-lobo, grrrrrr... alam nyo ba tinutukoy ko?)

Sunday, March 05, 2006

Proc. 1017: State of National EMERGENCY!

Last week lang, ay binawi na ni Pangulong GMA ang Proc.1017 o ang State of National Emergency. Pero sa totoo lang, hindi naganap ang mga inaasahan ko na dapat maganap sa proclamation na iyon ng pangulo.
Kaya ngayon, iisa-isahin ko ang mga inaasahan ko na mangyari dapat sa diskarte na iyon ng pangulo. Sayang naman kung sasarilinin ko lang ito, di ba? Kaya share ko naman sa inyo.
1. Sa State of National Emergency, itatake over ng gobyerno ang mga private at public corporation at establishment at bababa panandalian si GMA bilang pangulo at si ARNOLD CLAVIO muna ang papalit bilang presidente sa panahon ng National EMEGENCY!
2. Lahat ng Riot Police sa mendiola ay magleleave of absence muna dahil papalitan sila ng mga PARAMEDIC at RESCUE WORKERS upang bantayan ang mga nahihimatay at nasasaktan sa mga rally dahil sa National EMERGENCY!
3. Lahat ng armored van at mga tanke ng gobyerno na nagbabantay sa palasyo ng Malankanyang ay papalitan ng mga AMBULANSYA upang makaresponde kaagad sa mga sakuna na dulot ng National EMERGENCY!
4. Lahat ng doctor ay papapasukin ng 24 hours sa lahat ng Hospital upang tumao at mag-abang sa mga sugatan dulot ng National EMEGENCY!
5. Lahat ng mga botika ay bubuksan ng magdamagan upang mapagbilhan ng gamot ang mga taong nangangailangan dahil sa National EMERGENCY!
6. Lahat ng Fire Truck ay pupunuin ng tubig at iikot sa buong National Capital Region habang nagsisirena ng beinte-kwatro oras para mapaghandaan ang mga pangyayari sa National EMERGENCY!
7. Dahil magkamukha naman si Susan Enriquez at si GMA, gagawin muna syang spokeperson ng palasyo habang sumisigaw ng "kay SUSAN tayo" bunga na rin ng National EMERGENCY!
8. Lahat ng Bumbero ay ipapakalat sa buong Pilipinas para mag-ayos ng mga sirang gripo sa mga kabahayan, ito ay Serbisyo Publiko nila sa National EMERGENCY!
9. Bibili ng Game na "RED ALERT" ang lahat ng GENERALS sa buong Pilipinas at inenetwork nila ang lahat ng computer sa mga kampo ng sundalo para makapaglaro sila ng sabay-sabay, ito ang benipisyong makukuha nila sa National Emergengy!
10. Maiisip ni PGMA na mas maganda kung wala na sya sa Malakanyang kaya bababa muna sya sa pwesto at makikipagpalit kay ARNOLD CLAVIO upang maging host ng EMERGENCY! Ang saya noh!
Sana mabasa ito ni PGMA para malaman nya na mali pala ang mga naging diskarte nya sa nakaraang Proclamation nya ng 1017 o State at National Emergency at muli syang humarap sa publiko at banggitin ang wala niyang kamatayang mga katagang "I am sorry".

Thursday, March 02, 2006

The Police: Mesage in a Box


Whew! I've got this rare and old album of The Police last week and my world turns up-side-down! HIndi ito yung Pinoy Band na D' Pulis, yung kumanta ng "Mukhang Paa" na may album name na "Pulis Heart" tapos yung bokalista nila ay yung nasa commercial ng Yakult yung nagsasabi ng "OK ka ba Tyan!?"
Well so much of that. Why rare and old! Kasi naka-cassete format pa! Yes, meron pa ganun klase ng recording ngayon kahit ang mundo ay puno na ibang-ibang teknolohiya.
So, what's the fuzz? Nothing really, sabagay sa mga new generation music fanatic dyan sino nga ba ang The Police.
Hey! Di pa ako matanda ano! Ang una ko na close-encounter sa The Police ay sa pamamagitan lamang ng isang music review ng isang fanatic.(yes, kahit na naging isa akong local music disc jockey dito sa isang local radio FM station dito sa Tarlac, di ko pa natandaan na napatugtog ko ang mga kanta ng The Police.) Kaya malalim ang music taste ko kasi dati ako DJ, hehe!
Well sino ba itong credible writer na ito? (actually wala syang kwenta). Joke! hehe!idol ko po ito, sya lang naman si Jessica Zafra, with the capital Z. Actually ganyan daw talaga ang mga writer, nagbibigayan at nagbabasa ng mga info sa mga kapwa writer(nagbuhat ng lamesa).
Eh! ano naman ang kinalaman at nalalaman ni Jessica Zafra para tumaas ang credibilidad nya sa music?
Actually, i can put my trust on Jessica Zafra alone, without the music history muna, nanalo lang naman na sya ng Palanca Award (co'mon, halos lahat ng writer pangarap yan) kung di ako nagkakamali sa Short Story na "Manananggal sa Maynila" na naging movie na rin yata. Nagsusulat din sya dati sa Broad Sheet, name ng article nya is Twisted. So, what the hell! ano kinalaman nya sa music(screaming loud).
Naging Manager lang naman sya ng No.1 Pinoy Alternative Rock Band of All-time: The Eraserheads at sya ang nagsulat ng Fruitcake, yung book version ng Cristmass Album ng Eraserheads with the same nameeee!!!!!!..................................................
silence........................................................
take a deep breath..........................................
San na nga ba tayo? Ah! oo sa The Police pala. Ok well, last week nga ay nakabili ako ng album ng The Police:Message in a Box, a cassete version of all their recordings.
The verdict: well the music sounds good to me, less all the awards that they have. Sounds like an old Solid Rock Band and not pretending to be one. When i say "solid rock" what i mean is its a true-blooded rock music/song. Hindi tunog boy-band, kuha nyo. Kahit hindi gaano mabigat yung mga drums at hindi gaano namumutakti sa lead, alam mo at tunog rock pa rin sya, yun ang "solid rock" para sa akin at yun ang The Police.
Some of the song ng The Police na familiar at lagi na nating naririnig(kung hindi pa, tanong mo sa tatay at nanay mo ito) "Roxanne", "Everything she does is Magic", "Every breath you take", "King of Pain", "De Do Do Do De Da Da Da"(what an illiterate song!joke, well ang composer lang naman nila ay dating isang English Teacher and his name is Gordon Matthew Summer aka Sting at ang on-air name ko naman is Jads Summer! Not bad!), and "Message in the Bottle" (kung saan dito rin kinuha yun name ng compilation album at dito ko rin kinuha yun additonal name ng Blog ko: Message in a Blog!). This are just some of their more than a dozen hits sa US BillBoards at Rock Hall of Fame lang naman sila.
Well, not bad for me 'coz i've got this album for only 350 pesos! 4 cassete tapes in one Box! This is part of history at kahit cassete format ito, sure naman ako na hindi pirated ito. I hate pirated items and theres nothing beats the real thing!

Tuesday, February 28, 2006

Ano ang gagawin mo kapag nanalo ka sa lotto?

(originally made and posted at friendsterblog on february 20, 2006)
Tanong: Ano ang gagawin mo pagnanalo ka sa Lotto?
Mga possible na sagot:
"...magmimigrate ako sa America tapos yung matitira sa pera ko ipangbi-business ko ng Halo-Halo o kaya magtatayo ako ng training Center na ang name is "How to shout "BALUT" effectively: A marketing strategy for an American Balut Vendor"..."
"......babalatuan ko yung nanay ko, tatay ko, kuya ko, ate ko, girlfriend/boyfriend ko, auntie ko, uncle ko, kapitbahay ko, kaibigan ko, kamag-anak ko, hanggang maubos ang pera ko."
"...ah...um, kasi...mag-aaral ako ng lahat ng kursong gusto ko, hanggang tumanda na ako."
"...alam mo, you know, gagamitin ko yung pera sa pangangampanya ko, kasi balak ko na lumaban ng Barangay Kagawad sa lugar namin sa sususnod na halalan."
"...magbibigay ako sa mga orphanage, sa mahihirap, sa mga naghihirap, sa mga naulila, sa mga taong grasa, sa mga pulibi para pantay-pantay na kami."
"...balak ko kasi, yung 50% gagamitin ko sa business, baka gumawa ako ng tinapa factory, yung kalahati balak kong ilagay sa bangko na balak ko rin itayo."
"....utang ko ang panalo ko sa Lotto, kaya ang gagawin ko sa pera na pinanaluhan ko ay magpapagawa ako ng Lotto outlet sa lahat ng barangay sa buong Pilipinas. May business na ako, nailapit ko pa ang swerti sa mga tao, hehe!"
"....simple lang po, ipapagawa ko yung bahay namin, ipapa-up and down ko po, tapos lalagyan ko po ng swimming pool sa loob para sa pamilya ko, papalagyan ko po ng veranda, ipapa-shower ko po yung banyo namin, papalagyan ko po ng jet-matic para my tubig po, gagawa po ako ng mini-bar sa loob ng kwarto ko, simple lang po."
".....pupunta ako kay bello o kay calayan, balak ko kasi magpa-nose lift, magpapalaser ako ng mukha, hanggang maging kamukha ko na po si Richard Gutierrez/Angel Locsin."
"...magtatayo po ako ng security agency bilang business, para sa ikakabubuhay ng pamilya ko at sa buhay na rin namin. Mahirap na baka makidnap pa kami."
Ako po personally, aaminin ko na. Nanalo po ako ng Lotto last, last week. Ep!Ep! Huwag muna makikibalato. Nanalo po yung tatlong numbers sa anim na numbers na tinayaan ko, kaya ang ginawa ko.....
BALIK-TAYA!

Si Edgar, ang Pizza at ang EDSA.

(originally made and posted at friendsterblog on february 19, 2006)
OK, balik trabaho na naman, lunes, gaya ng dati...tinatamad. 5:30 pa lang ng umaga kaharap na ang Playstation, cge pindot ng pindot kasi maganda itong bago kong nilalaro, Persona 2.
Alas-dyes na, ayaw pang umalis tinatamad o ano na naman ang palusot, teka di ba holiday ngayon? EDSA day o People Power 1 day(yak!nakakasuya, parang Star Wars, may trilogy at part pa, wakeke!)ba ngayon? Tinanong ko yung pinsan ko si EDZEl kung may pasok sila, sabi nya wala daw, tanong ko bakit wala silang pasok, sabi nya hindi nya din daw alam....err.......
OK, ligo muna....ako kasi mas gusto ko ang may pasok. Pag may pasok, may sweldo. No work, no pay kasi sa kapitolyo, pero kahit walang ginagawa ang mga empleyado dito, may SWELDO pa rin, kuha mo!?
As usual, 10am na ako umalis kaya pagdating ko ng Tarlac, lunch time na. Gusto ko yata ng pizza, yung maraming cheeze tapos maraming red bell pepper.
San ba masarap kumain ng Pizza? Good question, at sa daming pagpipilian, parang ayaw ko ng kumain. Kaya ang bagsak natin sa internet cafe ulit, soundtrip na lang.
Narinig mo na ba yung bagong kanta ni Edgar? Oo, Parokya ni Edgar, title ng song is "Para Sa'yo". Ep!Ep! Hindi yan yung kanta ni Manny Pacquiao, same title, pero magka-iba. Dont worry, di yan ang pinakikinggan ko ngayon, yung Pizza Pie ni Edgar.
Pagkalipas kasi ng dalawang Dekada ng EDSA I(power grabbing, este!People Power pala), hindi na umunlad ang buhay ng tao(actually, dito lang yata sa pinas). Kaya eto, imbes na kumakain ako ng Pizza sa 20th anniv ng EDSA, nakikinig na lang ako sa kanta ni Edgar na Pizza Pie!
Holiday ba ngayon? Ang dali talagang makalimot ng Pinoy! Hay! Buhay!
.....patingin-tingin di naman makabili, patingin-tingin, di makakain ng pizza"
Labo..................

Internet, Office, Playstation..........ang buhay ng tinatamad!

(originally made and posted at friendsterblog on febryary 16, 1006)
10:30 ng umaga, paalis ng bahay pagkatapos magplaystation. Makakarating ng office mga 11:15 tapos uupo kasi pagod sa paglalakad paakyat ng Kapitolyo. Magpapahinga, magpapahinga, magpapahinga.........tapos kakain na naman ng lunch. Pagkatapos ng tatlong pastillas at isang Marlboro lights, surfing naman...sa loob ng shop. Internet cge, E-mail, friendster, tristancafe(sounds), eraserheads email-list, nba.com, manny pacquiao, bangbus!? Kwenta ng pera, kung kaya pa ng oras, cge gunbound naman, pagmasakit na ang mata, titigil at babalik sa office. Uupo, magpapahinga, magpapahinga, magpapahinga at tapos bababa para bumili ng dalawang nilagang mais. Babalik sa office, magbabasa, maghihintay ng text, maghihintay ng tao na magsosolicit, maghihintay ng letter. IIglip, yuyuko, maghihilik...............................................................
...4:30 na pala, tara uwi na tayo, masarap ang ulam sa bahay at maglalaro pa ako ng Persona 2, di ko pa kasi natatapos eh!

Trabahong hindi trabaho

(originally made and posted at friendsterblog on february 15, 2006)
Eto, katatapos na naman gumawa ng payroll list, actually sawa na ako sa ganitong scenario, hindi ako sawa na magseldo, sawa ako sa ginagawa ko. Gusto ko ng maggrow, magtry ng mga bagay na hindi ko pa nagagawa at matuto ng mga bagong bagay. HIrap sa ganitong trabaho, marami ang inggitan at bolahan, asaran na walang katuturan , sabagay lahat naman yata ng trabaho ganito. Kung janitor kaya ako may ma-iinggit pa sa akin o kaya may magploplot pa kaya ng masama sa akin? Sana wala naman na, hindi ko rin masabi, baka ako nga lang ang may problema, baka sarili ko lang nga kawaay ko, letche kasing horoscope yan eh, ang laki ng epekto pagnabasa mo, napapa-isip ka tuloy, letche makapag-gunbound na nga lang!
In the begining......... (originally made and posted: Thursday, 29 December, 2005 ) This is it, it's time for my star to shine. I've been doing things for the benefit of others for almost 2-3 years from now and i guess it's time to give my self a break and to relax and not to pretend. I am Jason T. Asuncion, a goverment employee at 24 and having a cute daugther. I am a boring (kasi wala daw kwenta minsan mga sinasabi ko), stupid (kasi lagi na lang ako na uuto o nagagamit, pero di naman na acknowledge sa mga ginagawa ko), trying-hard (kasi lahat na lang sinusubukan ko, at nagpipilit akong gumawa ng mga bagay na ayaw o hindi ginagawa ng ibanag tao), lazy and fat guy(wala ng paliwanag para dun!). Born with many talents (blog ko ito na wag nyo ako pigilan!).I can play the keyboards, i can write poems(actually tula kasi kadalasan mga tagalog ang language na ginagamit ko),i do paintings (soon to be published here, papa-scan ko pa lang). i can write short stories and one-act scene play, i can act(i've been a member of taga-clsu, a premier students acting guild at Central Luzon State University which means Tanghalang Gagalaw-CLSU, lufet nyan!)my former Director at TAGA-CLSU is Sir Delfin Ilao(he's at ABS-CBN right now! co-directed or written the script of that tele-drama by nora aunor, ano na nga ba yun?), he said i have talents!, but i decided to quit TAGA because of artistic differences(hehehehe!), became member also of Gintong Ani, whose finest play is the Tagalog version of Romeo and Juliet(i am the kabayo of Romeo, hehehe! actually alternate of Romeo but did'nt became a reality kasi di sya nagkasakit, sayang!hehehe! kaya i played some side roles at that play), became a student leader(CFY days at CLSU), right now member of FPOP National Council(Family Planning Organization of the Philippines, we give free condoms!joke!) at marami pang iba na hindi at ayaw mo ng mabasa at maisip. In short, i am all in one that you don't actually needed. So, what is this English Karabaw any way, my personal blog site at kaya english karabaw ang title because isa akong tao na trying-hard mag-english pero tunog at pagbinasa mo naman eh tunog kalabaw! Sa modern language ang tawag nila ay Taglish, pero mas mababa ang uri ko sa kategori na yun kaya English Karabaw. Pero isa lang ang gusto kong ipahatid kung bakit may Ka-blog site na English Karabaw. Eh, ano kung hindi ka magaling mag-english, eh ano kung lagi kang wrong grammar at wrong spelling, what the heck, i still have the right to write and say things about anything because that is my opinion as long na hindi ako nakakasakit at nakakasira ng damdamin at pagkatatao ng ibang tao. Asahan nyo na po ang mga personal na opinion ko sa blog na ito, mga likha kong tula at kwento, pati mga paintings ko ay i-publish ko dito at walang hanggang english-tagalog scenario at wrong grammar at wrong spelling. Magandang basahin ito kapag mahilig kayo sa taong may pagka-abnoy, weird, trying-hard, stupid o gusto nyo lang ng guinie pig para sa bago nyong na-reasearch na gamot para sa mga mentally challenge. Marami pong salamat sa abala at mabuhay! Leche!