Tignan mo nga naman, it's almost 2 years na rin bago ako nagkapagpost ulit dito. At nakakatuwa kasi halos na-ikwento ko pala ang buhay ko dito, mula ng goverment employee pa lang ako hanggang naging technician ako (for 3 months, hehehe!) at pati mga drama ko.
Bakit nga pala ako nagbalik? Una, natuwa kasi ako kahit na matagal na akong di nagpopost meron pa rin mg nagcocoment, hayz salamat!, meron pa rin naman pa lang nagbabasa. Akala ko kasi si ako at si ako na lang. Tapos may mga tao na nakakilala sa akin mula dito sa blog ko na ito, kaya masaya ako dito.
Ano naman ang nagbago sa akin in this past 2 years (hehehe, meron ba? <>). Tuloy ang kwento ng buhay, pagkatapos kong maging technician for 3 months, naging elementary school teacher naman ako(lol, no joke). Sa mga nagtatanong kung ano ba talaga educational background ko, ako po isang 2 year computer technician. Yes, di po ako graduate ng 4-year course, pero pasado ako ng Civil Service Exam. Kung pano ako nakapagturo sa isang private elementary school sa kabila ng kakulangan ko sa pag-uutak (pinag-aralan lang pala), you're guess is as good as mine (pakibulong nalang please).
After 5 months ko na nagturo sa elementary (don't worry, computer teacher ako dun), nagresign ako, kasi ako ang pinakagwapo sa school (ano magagawa ko eh, mag isa ko lang yata kasi na lalaki na school teacher dun,kaya kung dalawa kami, baka pangalawa ako). Tapos nag-apply ako sa isang technical-vocational institution dito sa Tarlac bilang computer instructor at tignan mo nga naman ang swerte, natanggap ako(at Lord kung bakit ulit, you're guess is as good as mine :-) Then, yun tuloy-tuloy na po, nakakuha ako ng Trainer's Methology sa TESDA, tapos Assesor's Methodology then after 1 year and 6 months ko na nagtuturo ulit, lumipat ako ng school, kung saan ako naroon ngayon.
Ang mga pinagkaka-abalahan ko ngayon ay paggawa at maintenance ng website ( ako ang developer ng mga website na ito www.rc-mabalacat.org at www.global-ka.net). Currently, natuto na rin ako sa programming, kaya sideline ko po ngayon is gumawa ng thesis ng mga Graduating ng Computer Science (syempre, hindi yun mga estudyante ko!). At naman, may mga naipasa na ako na thesis ha!, eto title nun una kong naipasa na pinagawang thesis Computer-Based Videoke System(yung mga gustong magpagawa ko intersado sa mga thesis ko kontakin nyo lang ako dito, mura lang fee ko, basata may bonus na mag-eenejoy ako kapag natapos ko na, hehehe!). Currently, nakatapaos na ako ng almost ten programs at may ginagawa pa ako ng 2 thesis at this moment (waiting pa yun iba, tingin ko mga February this year).
Tignan ko kung ano pa mangyayari, stay-tuned marami pa ako kwento...andito kasi boss ko, baka makita ako hehehe.......chao!
No comments:
Post a Comment