Yeah! Same here, i know, lahat ng tao napupuno at lahat ng tao may hangganan, well tao lang po!
Naranasan nyo na ba yung pagkakataon na halos lahat ng bagay ay kinokonekta sayo? Yung halos lahat yata ng mangyari ay kasama ka dahil andun ka? Hindi ko alam kung ito ay isang desperation move lamang dahil ayaw na o pagod ng hanapin ang katotohanan sa likod ng mga pangyayari. I take responsibility, maraming taong makakapagpatunay nun, kapag ako ang may kasalanan, inaamin ko at inaako ko hindi ko pinapasa sa iba. Eh! pano kung talagang clueless ka or nakikisama ka kaya ayaw mo ng sabihin pa ang ibang detalye o ayaw mo ng palakihin ang gulo. Well yung talaga ang downside ko. Or minsan ang hirap magpaliwanag kasi ayaw naman makinig nung taong gusto mong paliwanagan o wala sila talaga alam sa mga pangyayari kaya di nila alintana ang mga sinasabi mo.
Mabigat, kahit gusto mo pang ipagpatuloy di' ba? Ang matindi pa nito para kang nauntog sa mga pangyayari at bigla kang nagising sa katotohan at nasabi mo na "bakit ako andito, sinasayang ko lang oras ko dito. Marami pa akong magagawang magandang bagay maliban sa ginagawa ko ngayon...." Well, i think i need a professional help, hindi wala akong topak-sa akala ko, gusto ko lang makarinig ng opinion galing sa ibang tao. Ibang perspective ika nga, baka naman mali ang tingin ko at nagugulumihanan lang ako.
Well, lahat ng reaction ko at galaw ko ay batay sa pagpapahalaga ko sa pamilya ko, sa asawa ko at sa dalawang anak ko. Baka duon naiba.
" alin, alin alin ang naiba, piliin kung alin ang na iba..."
2 comments:
cool ka lang...;)
Mahirap talaga pag feeling mo pinagkakaisahan ka ng lahat, parang ang sikip ng mundo, ang hirap gumalaw. Pero mahirap ding madesisyon sa mga ganyang sitwasyon. Mas malamang ang mali, tama si vemsan cool ka lang.
Galing nga pala ako sa blog ni vemsan, napadpad dito.
Have a nice day!
Post a Comment