Tuesday, April 04, 2006
THE LUNA CODE
Two days ago, nakuha ko na yung 7 days na sahod ko dito sa shop, wow! ang laki! Well 'di ko na babangitin kung magkano, so, naisipan kong gumala sa recto, para tumingin ng mga (porno cd) computer software utilities at para na rin masilayan ang (baho) ganda ng kamaynilaan.
Well, napadpad ako sa isang maliit na store kung saan andaming pirated games, software OS at utilities ng computer. Eto na, e di na magnet ako, kaya tumingin na ako. Ang hanap ko talaga ay WinDoctor ng Norton at iba pang utilities from Norton. Gusto ko rin nung Ghost nila kasi malupet yun sa mirroring ng hard drive, well nakakita naman ako, Norton SystemWorks Platinum Edition 2005, wow, hataw di ba, magkano kaya ito kapag orig?(Huwag tularan).
Ok, first mission tapos na, kaya lakad ulit kung saan dadalhin ng paa. Lakad.....lakad...lakad.....wew, NATIONAL BOOKSTORE! So akyat ako at whew, The Da Vinci Code, well di ko pa nabasa at wala pa ako kopya kaya bumili ako kahit mabibitin na naman ang budget ko.
After two days ng pagbabasa, tingin ko balak ko ulit bumalik sa pagsusulat ng kwento. Dati na ko ako nagsusulat ng kwento (at ako rin lang ang nagbabasa), try ko lang kung may natira pa sa mga ugat ko.
Ang title ng kwento na isususlat ko is THE LUNA CODE...tadadan! The plot is this, there's was a secret society known as the Katipuneros (well, di na ito secret, this is history), na associated din sa Freemasons as we know it, they are holding a secret so big it will rock the foundation of Catholicism sa bansa. The big secret is Jose Rizal is the incarnation of Jesus Christ! What! And the Vatican new it, that's why humiwalay ang Iglesia Filipinia Independiente sa Roman Catholic dahil nalaman nila ang secret! Ayaw ng Vatican na mangyari ang ganun, kaya bago pa kumalat ang secreto, pinapatay na nila si Jose Rizal at nilupig ang mga Katipuneros.
This is getting excited, unti-unti ng tumahimik ang mga Katipuneros dahil sa pagsisiil ng mga Kastila at dahil na rin sa pagkamatay ni Andres Bonifacio, pinapatay ng mga Kastilla si Bonifacio at binayaran si Emilio Aguinaldo para umalis papuntang Hong Kong!
Eh, pano naging THE LUNA CODE? Well, eto na , dahil sa awa ni Luna kay Rizal at sa takot na rin sa mga Kastilla, at dahil na nakasama rin nya si Rizal sa La Liga Filipina, ginawa nya ang Spolarium. Kung mapapansin natin kung ano ang meron sa Spolarium, ito ay ang paghihirap ng mga Filipino sa kamay ng mga Kastilla, pero may nakatagong simbolo ito, ito rin ay katulad ng pagpapahirap kay Cristo bago sya ipako sa Cruz at ang ginamit na mga tauhan ay ang Filipino, to be particular, Jose Rizal! At may mga nakatagong mensahe sa canvas na ginamit ni Luna! Natakpan lang ito ng ipahid na niya ang mga kulay sa kanyang canvas!
Wow, ok ba ang plot, orig ko yan ha! hehe, aayusin ko yan tapos ipupublish ko, THE LUNA CODE, tapos kikita ako, tapos, magkakapera ako, magiging milyonaryo ako, tapos, ipapamahagi ko lahat ng pera ko sa mga dukha at nangangailangan, tapos magiging common tao na ulit ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment