Wednesday, March 08, 2006

I need a new JOB(for crying out loud!)

I am in a hunt today. Nope i'm not a head-hunter or an adventurer, i'm one of those million people in the Philippines right now who's looking for a job.
Actually, i'm not jobless, i still have my job here at Provincial Goverment of Tarlac(I am an Admin. Aide III, it means sosyal na alalay ng politiko! Got it!?). My job is great, i got a good salary compared to those who's here at the province and my boss is great too. So, ano ang problema, nag-iinarte ka na naman
#@%*&^%$#@#!. Well, hindi naman kailangan ko lang siguro ng bagong pagkaka-abalahan.
Matagal na rin ako dito, mga 2 years and 4 months na(actually mahigit 3 years na kasi 1 year akong walang pangalan na empleyado dito). Masaya, masaya ang buhay, kwento duon, chika dito, pag may trabaho, talagang may trabaho, pero pag walang ginagawa, wala ka talagang ginagawa at pwede ka pang matulog. Eh, bakit ka nga naghahanap ng bagong trabaho?
I need to grow, yeah! tama ka, parang halaman, i need to improve, parang muscles and i think i need a new enviroment and a new career para mangyari ang mga panaginip ko na yun.
Beside, kalalabas lang ng baby boy ko! (Marcelino Jason, nice name, old and new) kaya naisip ko rin na dapat mabago na rin ang lifestyle ko. Hindi ako habang-buhay na malakas, di ako habang buhay na magiging presentable, kaya habang maaga pa dapat na makapag-ipon na ako ng ibang pang skills maliban pa sa nalalaman ko na ngayon.....at higit sa lahat, mag-2 years na ako dito at di pa rin ako regular.
Sayang naman ang talents na ipinakita ko dito(kung meron man), kahit na anong mangyari, di ako pwedeng maregular. Kahit tumambling pa ako ng pitong ulit sa apat na sulok ng opis namin, di ako mareregular kasi co-terminus at casual lang kami. Every six-months, parang laging nag-aaply, nagpapass ng bagong resume. Tapos pagnatanggal na ang boss mo sa position, wenkz! tigok ka rin, layas na rin sa lungga mo, O di ba sayang lahat ng pinaghirapan mo kasi mapupunta lang sa wala.
Kaya di ko na hihintayin yun oras na yun na ipagtabuyan pa ako at magmukhang basang sisiw na walang masilungan, ngayon na, panahon ko ay dumating na! wenkz.
Well kaninang umaga nagtry ako na mag-apply bilang HR personnel sa isang company dito, tinanong kung ano tinapos ko at di naman ako Bachelors Degree kaya hinataw ko sya sa experience ko, well maganda naman ang naging sagot nung nag-interview sa akin sa phone sa labas ng gate nung company(huhuhu, Diyos ko! ayaw kong maging dukha), tatawagan na lang daw nya ako, sabi ko sana bibigyan ko sya ng panload para matawagan nya ako anytime.
Kaya eto, waiting.....waiting...and waiting pa rin.
Ate, Kuya baka may alam ka naman trabahao na pwede kong pasukan, di naman ako malakas kumain eh, at wala pa rin ako napatay. Pwede mo akong e-mail o kaya tawagan.......09165546245 walang S.O.P ha, baka matanggap ng misis ko lagot ako dun, stick to one pa naman ako.
Trabaho...................
Trabaho..............................
Tarabaho, Gloria nababasa mo ba ito, kailangan ko po ng bagong trabaho, gaya ng mahigit isang milyon PIlipino naghahanap ngayon ng trabaho.
(di mo pa alam ang lahat ng kwento, kaya stay-tuned ka dito, galit ako sa mga ganid at taong-lobo, grrrrrr... alam nyo ba tinutukoy ko?)

1 comment:

jason t. asuncion said...

princess, syensya na di kita ngayon ko lang nakita mesage mo di ko rin kasi alam email mo at di ko makita profile mo.gusto sana kita tanungin insan?lol! hehehe, leave ka naman ng tace dito or at leadt email o friendster account mo, yun lang!ingats!!!