(originally made and posted at friendsterblog on february 19, 2006)
OK, balik trabaho na naman, lunes, gaya ng dati...tinatamad. 5:30 pa lang ng umaga kaharap na ang Playstation, cge pindot ng pindot kasi maganda itong bago kong nilalaro, Persona 2.
Alas-dyes na, ayaw pang umalis tinatamad o ano na naman ang palusot, teka di ba holiday ngayon? EDSA day o People Power 1 day(yak!nakakasuya, parang Star Wars, may trilogy at part pa, wakeke!)ba ngayon? Tinanong ko yung pinsan ko si EDZEl kung may pasok sila, sabi nya wala daw, tanong ko bakit wala silang pasok, sabi nya hindi nya din daw alam....err.......
OK, ligo muna....ako kasi mas gusto ko ang may pasok. Pag may pasok, may sweldo. No work, no pay kasi sa kapitolyo, pero kahit walang ginagawa ang mga empleyado dito, may SWELDO pa rin, kuha mo!?
As usual, 10am na ako umalis kaya pagdating ko ng Tarlac, lunch time na. Gusto ko yata ng pizza, yung maraming cheeze tapos maraming red bell pepper.
San ba masarap kumain ng Pizza? Good question, at sa daming pagpipilian, parang ayaw ko ng kumain. Kaya ang bagsak natin sa internet cafe ulit, soundtrip na lang.
Narinig mo na ba yung bagong kanta ni Edgar? Oo, Parokya ni Edgar, title ng song is "Para Sa'yo". Ep!Ep! Hindi yan yung kanta ni Manny Pacquiao, same title, pero magka-iba. Dont worry, di yan ang pinakikinggan ko ngayon, yung Pizza Pie ni Edgar.
Pagkalipas kasi ng dalawang Dekada ng EDSA I(power grabbing, este!People Power pala), hindi na umunlad ang buhay ng tao(actually, dito lang yata sa pinas). Kaya eto, imbes na kumakain ako ng Pizza sa 20th anniv ng EDSA, nakikinig na lang ako sa kanta ni Edgar na Pizza Pie!
Holiday ba ngayon? Ang dali talagang makalimot ng Pinoy! Hay! Buhay!
.....patingin-tingin di naman makabili, patingin-tingin, di makakain ng pizza"
Labo..................
1 comment:
nice post.. funny.
Post a Comment