Wednesday, November 12, 2008

Pamamaril ng Bituin sa Gabi ng Biyernes

Pamamaril ng Bituin sa Gabi ng Biyernes

Jason T. Asuncion, CLSU, 1999

Habang ninanamnam

ang sagong nabili ko sa Old Market.

Naupo sa lumalagitnit na kawayang sofa.

Habang nagpapahingalay sa dilim ng gabi ng Biyernes.

Kasama ng iba pang alitaptap

at bighani sa aliw at kislap.

Nakatingala at naghahanap ng bituing pinapangarap.

Naghihintay sa pagbagsak ng tala

na susunog sa gatong ng pag-asa.

At hayun sa sulok ng langit ang aking bituin.

Naghihintay sa konstelasyon ng papawirin.

at yaring pabagsakin sa aking piling.

Ngayon na, panahon ko’y dumating na,

upang pangarap ko’y kamtin nasa.

Sadyang ‘di na makapaghihintay sa aking pananabik.

Pag-asa’y nasilayan, naroon at malapit.

Sabay higop sa aking hawak na sago

ng yaring bituin ko ay aking masumpit

at pabagsakin sa taas ng langit.

Tila man pangarap ko’y suntok sa buwan.

‘Di man tamaan basta aking makamtan.

Binuo na ang loob, pintuan ay bukas na.

Handa ng suungin ang bagong pag-asa.

Hingang malalim, sabay buga.

Sa wakas nailabas din ang buntong-hininga.

Pag-iisip ay nabuksan,

paninikip at sakit ay sadyang naibsan.

Habang Milky Way ay nasa aking alaala.

Walang katulad, walang kasing iba.

Narito’t hingal-habol, pawis at pagod

sa pagdakip sa talang naihulog.

Ngunit di na hahayaan pa na ako ay malungkot.

Gagawin ang lahat, kahit muling sisirin ang dagat.

Pagka’t ngayon ay aking hawak

ang kinabukasan at hinaharap.

Tuesday, November 11, 2008

For all the girls: Frenz Charming

Sino po si Prince Charming at bakit lahat ng babae na nakaka-usap ko ay inlove na inlove kay Prince Charming. Di ba nila alam na lahat sila ay binobola lang ni Prince Charming. Lahat ng babae, isa lang ang hinahanap, Si Prince Charming! Di pwede yun, eh di silang lahat nagkagulo.

Kidding aside, sino nga ba si Prince Charming sa buhay mo? Syempre dapat Charming kasi Prince Charming nga eh. Ganun ba dapat yun? Nakasakay sa puti at magarang kabayo (hindi po si Roxanne Ginoo ang tinutukoy ko sa White Castle Whiskey, waaaaaaa!). Ano pa ba quality dapat ni Prince Charming, maputi, matangos ang ilong, namumula ang labi (kilig) at higit sa lahat walang amoy ang kili-kili.

Mabait, mapagkakatiwalaan, understanding, prinsesa ang turing lagi sayo at tagapagtanggol mo kahit ano mangyari. Sya na ba ang Prince Charming mo?

Kung yan ang batayan mo sa Prince Charming tiyak di mo sya makikita. Di mo ba alam na kanina ay kausap, nakasalubong, nakatabi o naka-away mo sya? Maaaring nadaan mo kanina, pwede sya yun barker sa terminal. Di kaya janitor sa office nyo, o kaya yung boss mo mismo, estudyante, officemate, takatak-boys sa kalye, marami at possible. Pwede ring nasa kulungan sya ngayon o kaya isang Pari o Monghe.

Si Prince Charming ay di perpekto at yun ang totoo. Maaaring sya ang pinakatanga, engot, bobo, makulit, mayabang, tarantadong tao sa paningin mo. UULITIN KO, sa paningin mo! Yes, kasi di pareho ang persepsyon ng bawat tao, character is too subjective to define (define!define!define! by Hilera). Pero di dahil wala sa kanya ang mga qualities na inaasam-asam mo sa isang tao ay hindi ka niya niya kayang paligayahin. Minsan sya pa yun taong nagbibigay sa iyo ng lungkot, bugnot at bangungunot. Dahil di mo malalaman ang ligaya kung walang lungkot, walang saya kung walang hirap.

They are outthere, pakalat-kalat lang at baka sobrang layo ng tinitignan mo kaya di mo alam na katabi mo na pala sya.

So, lawakan mo pa ang iyong mata at nakikita nasa paligid lang sila.

Password mo kay Prince Charming is: LOVE, 4 letters lang, but it can change all things and it can move mountains.

Monday, November 10, 2008

The Truth, the Fuit and the Jute!

The Truth: it’s everywhere, you can find it at your back, at your garden and maybe at your bedroom. There’s no way you can avoid the TRUTH. There’s no amount of Alaxan or Selecta Ice Cream can ease the pain of knowing the truth. But what really is the TRUTH anyway?, you will only know the truth if you’re gonna ask for it! Yes, ask for it and he/she won’t deny it.

The Fruit: it’s the outcome of the truth. "Kung ano ang itinanim, sya rin ang aanihin (Pichay, Pro -pinoy, itanim sa senado)". Yeah, right there in cue, don’t ask for anything than the truth and be ready for the fruit.

The Jute: it is kulitis in tagalog and it is good for your health. Try it with kakang gata and siling labuyo with danggit. It’s good, just like heaven on earth.

Summary: Smile!God loves you, I love you, you love me and i love Barney.

Sunday, November 09, 2008

Anong meron ang taong happy?

Ok, pagkatapos ko mawala at di magpost ng blog dito sa Blogspot (actually, nagnakalimutan ko po password ko dito kaya di na ako nakapagpost ulit), nagpost pa rin ako ng mga blog ko sa friendsters, with the same blog name English-Karabaw(dalaw ka dun minsan).
Yun nga lang, naisip ko na mas marami pala ang makakabasa ng blog ko kung dito ko ilalagay kaysa sa friendsters. At para maibalik ang mga nasayang na sandali, balak ko pong i-post dito yung mga magaganda ko na post sa friendsters na di ko pa na-ipost dito. Sabi ko nga sayang naman kung di mo ibabahagi kung anong meron ka diba, kaya eto pagdamutan nyo na.
Yung iba, medyo out dated na, pero masaya pa rin basahin kasi may pwit and humor pa rin!
Enjoy!
Wenkz, ito yung tagline sa commercial ng Enervon-C, masarap kasi!, joke!yung tablet pala, tapos kinakanta ng ITCHYWORM yung soundtrack at may mga big stars sa background, tulad nila Cesar Montano, Michael V., Pia Guiano at Winnie Cordero.

So, kapag may Enervon ka pala happy ka na?

Well, eto naman ang opinon ko kung anong meron ang taong happy.

1. Meron kang bagong version ng Ferarri Series na kotse tapos tatay mo yung may-ari ng pinakamalapit na gasolinahan sa bayan nyo. Sigurado, happy ka na dyan.

2. Anak ka ng general ng Philippine Airforce, tapos hatid sundo ka ng Tora-Tora service aircarft ng Airforce sa eskwelahan nyo. Di ba happy yun, hehe!

3. Nanay mo si Gloria Macapagal-Arroyo tapos lahat ng nakakaaway mo, pagkatapos mong isumbong sa nanay mo ay hihingi ng tawad sayo in the tune of "I am sorry", ehehe, saya!

4. Meron kang Playstation 1, Playstation 2, Game Cube, Pentium 4 na PC at Gameboy sa kwarto mo na naka-aircon at kayo ang may-ari ng Electric Company sa lugar nyo. O, di ba happy.

5. Kayo ang may-ri ng kauna-unahang fresh-air refilling station sa Pilipinas. Di ba high-tech! Makakahinga ka na sa wakas, kaya happy ka na .

6. Meron kayong sariling tele-communication tower at sariling reloading station. o di ba ang saya nun, libre text ka magdamag hanggang mamuti ang mata mo.

7. Tatlo ang asawa mo at sila ang nagpapakain at nagtratrabaho para sayo, o ano di ka ba happy kapag ganyan.

8. Meron kang sariling computer shop at tatay mo ang may-ari ng PLDT! Wow, ang saya nun, libre Internet ka magdamag!

9. Uncle mo yung Commisioner ng Custom at lahat ng nakukulimbat nya sa department nya at ibinibigay nya sayo! Wow, saya naman, puro imported gamit mo nun.

10. Girlfriend mo si Regine Velasquez, tapos araw-araw syang kumakanta ng "Tara, Byahe tayo" theme song ng Tourism at araw-araw ka rin nya inililibot sa mga magagandang places sa Pilipinas. Hindi ka lang basta masaya nyan, mapapa-WOW! Philipinnes ka pa! hehehe!

Pero para magawa at makaya mo lahat yan, dapat may lakas ka muna na pangmatagalan, yan ang meron ng taong happy-ENERVON!

Wenks, nagcommercial! Enervon, pahingi naman po kahit isang bottle!

Friday, November 07, 2008

Ang Pagbabalik again!

Tignan mo nga naman, it's almost 2 years na rin bago ako nagkapagpost ulit dito. At nakakatuwa kasi halos na-ikwento ko pala ang buhay ko dito, mula ng goverment employee pa lang ako hanggang naging technician ako (for 3 months, hehehe!) at pati mga drama ko.
Bakit nga pala ako nagbalik? Una, natuwa kasi ako kahit na matagal na akong di nagpopost meron pa rin mg nagcocoment, hayz salamat!, meron pa rin naman pa lang nagbabasa. Akala ko kasi si ako at si ako na lang. Tapos may mga tao na nakakilala sa akin mula dito sa blog ko na ito, kaya masaya ako dito.
Ano naman ang nagbago sa akin in this past 2 years (hehehe, meron ba? <>). Tuloy ang kwento ng buhay, pagkatapos kong maging technician for 3 months, naging elementary school teacher naman ako(lol, no joke). Sa mga nagtatanong kung ano ba talaga educational background ko, ako po isang 2 year computer technician. Yes, di po ako graduate ng 4-year course, pero pasado ako ng Civil Service Exam. Kung pano ako nakapagturo sa isang private elementary school sa kabila ng kakulangan ko sa pag-uutak (pinag-aralan lang pala), you're guess is as good as mine (pakibulong nalang please).
After 5 months ko na nagturo sa elementary (don't worry, computer teacher ako dun), nagresign ako, kasi ako ang pinakagwapo sa school (ano magagawa ko eh, mag isa ko lang yata kasi na lalaki na school teacher dun,kaya kung dalawa kami, baka pangalawa ako). Tapos nag-apply ako sa isang technical-vocational institution dito sa Tarlac bilang computer instructor at tignan mo nga naman ang swerte, natanggap ako(at Lord kung bakit ulit, you're guess is as good as mine :-) Then, yun tuloy-tuloy na po, nakakuha ako ng Trainer's Methology sa TESDA, tapos Assesor's Methodology then after 1 year and 6 months ko na nagtuturo ulit, lumipat ako ng school, kung saan ako naroon ngayon.
Ang mga pinagkaka-abalahan ko ngayon ay paggawa at maintenance ng website ( ako ang developer ng mga website na ito www.rc-mabalacat.org at www.global-ka.net). Currently, natuto na rin ako sa programming, kaya sideline ko po ngayon is gumawa ng thesis ng mga Graduating ng Computer Science (syempre, hindi yun mga estudyante ko!). At naman, may mga naipasa na ako na thesis ha!, eto title nun una kong naipasa na pinagawang thesis Computer-Based Videoke System(yung mga gustong magpagawa ko intersado sa mga thesis ko kontakin nyo lang ako dito, mura lang fee ko, basata may bonus na mag-eenejoy ako kapag natapos ko na, hehehe!). Currently, nakatapaos na ako ng almost ten programs at may ginagawa pa ako ng 2 thesis at this moment (waiting pa yun iba, tingin ko mga February this year).
Tignan ko kung ano pa mangyayari, stay-tuned marami pa ako kwento...andito kasi boss ko, baka makita ako hehehe.......chao!